Hindi alam ni Priya kung saan nanggagaling ang ginaw na nararamdaman niya ngayon. Pakiramdam niya ay pati mga buto niya ay kinakain ng ginaw. Kahit na ilang kumot ang ipinatong ni Alken sa kaniyang katawan ay hindi pa rin nababawasan ang lamig. At sa tuwing gumagalaw siya ay napapadaing na lamang siya sa sakit sa kaniyang p********e. "Are you alright?" nababahala lng tanong ni Alken sa kaniya. Wala itong ibang tinatanong at inaalala kundi ang kalagayan niya. Hindi alam ni Alken kung ano ang gagawin niya dahil hindi pa dumarating ang mga inutusan niya. Alam niyang may kinalaman ang ginawa niya kay Priya kaya ito nilalamig at nilalagnat. Tinawagan muli ni Alken ang sekretarya at sinabi nitong papunta na. Tuwid na nakatayo ang apat na magkaibigan na para bang hindi man lang

