Kinakabahan ng husto si Priya dahil nahuli siya ng sampung minuto sa unang araw ng trabaho niya. Hindi niya maipaliwanag ang lakas ng tambol sa kaniyang dibdib habang pinagpapawisan siya ng husto. Wala siyang ibang masisisi kundi ang sarili niya. Sapagkat hirap siyang pigilan ang pagiging marupok sa tuwing inaakit na naman siya ni Alken. Lagi na lang nauuwi sa pag-iisa ang kanilang mga katawan at patuloy pa rin siya sa pagpapaubaya kung kailan siya gustong angkinin ni Alken sa kama. Inaamin niyang ito ang kahinaan niya. Kapag nasimulan na ni Alken na halikan siya at kapag naisubsob na ni Alken ang mga labi nito sa kung saan mang parte ng kaniyang katawan ay tiyak na talo na siya. Kahit na sinasabi ng isip niya na tama na ay lagi niya pa rin itong pinagbibigyan kahit na nakakaramda

