Pagkauwi ni Alken sa bahay ay hindi niya napansin sa ibaba si Priya. Nilibot niya ang tingin niya sa buong paligid dahil madalas ay lagi siya nitong sinasalubong sa pinto kung wala naman itong ginagawa. Ayaw man niya na dumepende sa presensiya ni Priya dahil pakiramdam niya ay isa u***g kahinaan pero nagugustuhan na niya ang pakiramdam na palaging itong nandiyan at pagi niyang nakikita. Sa halip ay nagiging lakas niya ang dalaga at nakakasanayan na niya ang presensiya ng dalaga. "Nasa kwarto na si Priya, Hijo," biglang sabi ni Ante Nancy nang makita niyang palinga-linga ito sa paligid. Alam ng ginang kung sino ang hinahanap nito. Tumango siya bilang tugon kay Ante Nancy at kaaagad na dumiretso sa kwarto niya kung nasaan ngayon si Priya. Pero nang buksan niya ang pintuan sa mismo

