Ayaw man ni Priya na pakialam siya sa trabaho niya pero hindi na natiis ni Alken ang sarili na puntahan ito sa kaniyang trabaho. Kahit na tingnan lang ito mula sa malayo ay masaya na siya na nakikita itong nasa maayos na kalagayan. Ngunit ang akalang maayos ito sa kaniyang trabaho ay isang kabaliktaran. Walang sinabi ang dalaga sa kaniya na ang ginawa nitong paglilinis ay parang parusa. Sinabi nga sa kaniya ni Priya na ito ay naglilinis ngunit hindi niya inisip na ang nililinisan nito ay hindi kakayanin ng isang tao lamang sa isang buong araw. Kaya pala hindi siya napapanatag dahil alam niyang parang may mali. Naguguluhan si Mang Jose ngayon habang pinagmamasdan ang kaniyang Young Master. Kanina pa ito nakatingin sa dalaga at kumakalam na ang tiyan niya sa gutom. "Young Mas

