Dalawang araw ng naglilinis si Priya sa harap ng building na pinagtatrabahuhan niya ngunit hindi pa rin siya tapos. Ang dami niya pang kailangan na i-trim na mga halaman at bigla siyang natawa dahil parang hindi na siya janitress sa trabaho niya ngayon. Dahil para na siyang isang hardinera. Ngunit hindi siya nagrereklamo. Kahit mainit ay natutuwa pa rin siya kahit papaano. Sapagkat napapakalma siya ng mga halaman. Tiningnan niya ang kaniyang mga kamay at nanginginig ang mga ito. Binalewala na lang niya iyon dahil baka naninibago lamang siya. Ilang saglit lang ay tumigil na rin siya dahil oras na pala ng uwian. Hindi na niya namamalayan ang oras dahil hindi na bakante ang oras niya sa pag-aayos. Dumiretso na si Priya sa locker niya at sa hindi inaasahan na pangyayari ay nahu

