Nagmamadaling umalis ang tatlo na may pagsisisi sa kanilang mga sarili kung bakit pa nila pinatulan ang isang ex-convict na si Priya. Gusto nilang pag-umpugin ang kanilang mga ulo dahil sa kanilang mga katangahan. Hindi man lang nila naisip kung bakit ito natanggap gayong may kriminal record itong nagawa at ngayon ay nasagot na ang lahat ang gumugulo sa kanilang mga isipan. Sa kabilang banda, si Priya naman ay parang ayaw nang lumabas sa kinaroroonan niya ngayon dahil alam niyang hinihintay siya ng boss niya. Kinabahan siya dahil baka sisisantihin na siya nito dahil sa nangyari. Kabago-bago niya lang sa trabaho pero may gulo na itong naabutan. Kung pwede lang sana siyang maglaho na lang ngayon ay mas gugustuhin niya pa para hindi siya nito sumbatan. Wala namang ibang dahilan p

