Seryosong naglakad si Priya sa pasilyo habang dala-dala pa rin ang mop niya. Pagliko niya pakanan ay literal na hindi siya nakapagsalita dahil sa gulat. Muntik pa siyang mabangga kung hindi siya naging alerto. Nakita niya ang malungkot na mukha ng boss na parang may inaabangan. Base sa porma nito ay mukhang kanina pa ito nandito. Wala siyang ideya kung sino ang hinihintay ng binata ngunit ang daan na ito ay patungo sa quarter ng mga janitress. Malayo sa opisina ng binata na siyang lubos na pinagtataka ni Priya. "Sir Hubert…" mahinang usal niya at bago siya nagsalita ay siniguro niyang ito nga ang boss niya. "Bakit po kayo nandito?" nagtataka niyang tanong dahil para itong may malaking problema na hindi alam kung paano ba lulutasin. Luminga siya sa paligid at wala siyang makitang

