"Walang hiya ka!" Asik ni Kath kay Priya at para nang sasabog sa galit. "Akala mo ba mahal ka ng bayaw ko? Kung mahal ka nga niya, bakit ka ba niya hinahayan na maging janitress dito?" lakas na loob nitong tanong at ayaw pa rin sumuko sa gustong gawin na pagpapahiya kay Priya. Blangko na tiningnan ni Priya ang dalaga at hindi na nagpapaliwanag pa. Kung si Alken lang sana ang nasusunod para sa buhay niya ay tiyak na unang araw pa lang ay wala na siya rito. Hindi niya kailangan na ipagkandalan sa lahat ng tao na mahal siya ni Alken. Alam niya sa sarili niya na mahal siya ng nobyo at nagkakaintindihan silang pareho sa kanilang mga nararamdaman. Ngunit dahil sa kaniyang pananahimik, pulang-pula na ang mukha ni Kath sa galit. "Kung totoong mahal ka niya. Pwede ka niyang bigyan ng tr

