Nababagot at labis na napagod si Priya ngayon sa kaniyang trabaho kahit na wala naman siyang masyadong ginagawa. Pakiramdam niya ay napakahaba ng naging araw niya ngayon sa kaniyang pinagtatrabahuhan. Sa katunayan ay naninibago siya dahil kakaiba ang turing sa kaniya ng mga tao sa buong building. Para bang lahat ng employee ay inutusan ng boss niyang si Hubert na dapat siyang tratuhin ng tama bilang tao. Minsan ay naisip din niya na baka dahil may kinalaman na naman ito kay Alken. Baka dahil alam na ng mga tao na siya ang nobya ni Alken ngayon kaya maganda ang pakikitungo ng mga ito sa kaniya. Maaaring hindi niya alam ngunit mabilis kumalat ang balita dahil alam niyang may pakpak ang tsismis. Pakiramdam ni Priya ngayon ay napakatagal nang takbo ng oras dahil nababakanti ng ilang

