Ilang araw ang nakalipas ay walang ginawa si Priya kundi ang magmukmok lang sa kwarto. Kung noon ay tadtad siya ng trabahong bahay sa loob ng mansyon. Kabaliktaran naman ang buhay niya ngayon. Pinagbantaan ni Alken ang mga katulong na huwag siyang papagurin kaya bantay sarado siya ng kahit kanino. At hindi siya hinahayaan ng lahat na kumilos at gumawa ng mga trabahong bahay. Napapagod na siyang umupo at humiga buong araw. Hindi rin siya ginaganahan na kumain dahil para na siyang papatayin sa dami ng mga pagkain na hinahain sa kaniya. Sa dami ng mga pagkain na dinadala sa kaniya sa kwarto ay nawawalan na rin siya ng gana. Lalo pa at mag-isa lang naman siya palagi dahil laging abala si Alken sa kompanya. Masama suya dahil may binigay na cellphone sa kaniya si Alken ngunit hin

