Nawala ang saya sa mukha ni Alken ng makauwi siya sa bahay na wala siyang makita kahit na anino ni Priya. Simula nang nagkaroon siya ng nararamdaman para kay Priya ay lagi siyang nasasabik na umuwi sa mansyon. Halos doblehin na niya ang bilis sa pagtatrabaho sa opisina kung kinakailangan. Maliban sa dami ng mga papeles na kailangan niyang basahin at permahan nagkataon lang na may lakad siya at hindi niya nadala ang cellphone niya. "Ante," tawag ni Alken sa ginang. Kinabahan na kaagad si Ante Nancy dahil kanina niya pa hinahanap si Priya sa buong mansyon. Ngunit walang kahit isa ang nakakita sa kaniya. Ang alam niya lang ay bago ito mawala sa loob ng mansyon. Ang huli nitong kausap ay si Lena. Tinanong ni Alken ngayon si Ante Nancy kung nasaan si Priya at ganoon din ang mga kasa

