Hinatid si Priya ng boss niya at hindi ito isang pagkakataon lang gaya ng inaasahan ng dalaga. Ito ay planado at may malalim na dahilan. Si Hubert ay pinakiusapan ni Kathy na kilalanin si Priya Mill. Matagal na siyang nanliligaw kay Kathy at naniniwala siyang mamahalin siya ng babae kapag susundin niya ito. Hindi siya nawawalan ng pag-asa na darating din ang araw na susuklian ni Kathy ang pagmamahal niya. Kahit alam ni Hubert na delikadong tao si Alken pero hindi na niya iyon inaalala. Ang mahalaga lang ngayon sa kaniya ay makita niyang maging masaya si Kathy kapag nakapaghiganti na ito para sa kaniyang kapatid. Habang nasa sasakyan ay pasimpleng sinusulyapan no Hubert si Priya. Mukhang harmless naman ang babae at hindi makita ni Hubert ang mga deskripsyon na sinabi ni Kathy

