Madaling araw pa lang ay nagising na kaagad si Priya. Madilim ang buong paligid dahil nakapatay ang ilaw sa silid, kaya hindi alam ni Priya kung gising na ba o tulog pa rin ba si Alken. Dahan-dahan niyang tinanggal ang nakayakap nitong bisig sa kaniyang katawan. Ngunit hindi niya ito matanggal kahit na nagsusumikap siya na makawala. Malakas ang pakiramdam ni Alken at sa tuwing nararamdaman nitong gumagalaw si Priya ay mas lalo lang humihigpit ang yakap ni Alken sa kaniya. Nakatanday ngayon ang isa nitong paa sa kaniyang binti at ang mukha nito ay nakasiksik sa kaniyang leeg. "Matulog muna tayo," namamaos nitong ani at halatang kakagising lang. "Alken, babangon na ako. Maghahanda lang ako ng agahan natin." "Nandiyan naman ang mga katulong." "Baka kasi hindi pa sila gising. I

