Tapos na ang gabing ginawang prinsesa ni Alken sa isang event si Priya. Kinaiinggitan siya ng lahat ng mga dalaga nang gabing iyon. Ang hindi lang nagbago ay ginagawa pa rin siya nitong señorita sa mansyon kahit na wala namang mga okasyon. Pero kahit na ini-spoil siya ng binata ay hindi kailanman sumagi sa isip ni Priya na magbuhay mayaman sa puder ni Alken. Hindi man pumapayag si Alken na tumulong siya sa gawaing bahay. Sinisiguro naman ni Priya palagi na siya ang mag-aasikaso sa nobyo niya araw-araw bago siya pumasok sa trabaho. Napakasaya ni Priya nang gabing iyon dahil sa tuwing kasama niya si Alken ay pakiramdam niya ay kaya siya nitong protektahan sa kahit na sino mang kinakatakutan niya. Ngunit hindi iyon ang realidad ng buhay. Hindi lahat ng oras ay kaya siyang bantay

