"Kung pinaalam mo lang sana sa 'kin noon na nakulong ka. Sana hindi ka na umabot sa puntong 'to Priya," nasasaktan na sumbat ni Dave sa dalaga. Iniisip pa rin ni Dave na napipilitan lang si Priya na gawin ang lahat upang makaganti kay Alken. Ayaw niyang maniwalang totoo ang relasyon ng dalawa at paninindigan niya pa rin ang paniniwalang iyon na isang pagpapanggap ang lahat. "Dave, nangyari na ang mga nangyari at hindi na maibabalik pa qng panahon na nawala. Salamat dahil hindi ka kagaya ng iba," madamdamin na sabi ni Priya at pinagpapasalamatan niya at nagpapasalamat ako dahil hindi kita nilapitan noon. Wala akong pinagsisisihan dahil baka nasira na rin ang relasyon mo sa pamilya kung nagkataon," patuloy niyang sabi. Una pa lang ay alam na ni Dave ang dahilan kung bakit hindi siya s

