Kakauwi lang ni Alken galing sa opisna at hindi pa man nakakapagbihis ay dumiretso na siya kaagad sa harden kung saan sabi ng katulong ay nandoon si Priya. Sa tuwing nakakauwi soya sa mansyon ay laging si Priya ang inuuna niya. Sobra niya itong na-miss kahit na araw-araw naman silang nagkikita. Hindi niya mapigilan na mag-isip at mabahala kung bakit naisipan pa rin nitong mapag-isa sa harden kahit na gabi na. Natitiyak niyang mayroon itong dahilan. Habang natatanaw niya ang nobya ay napapansin niyang seryoso lang ang mukha nito. Dahan-dahan lang ang lakad niya at tiningnan din ang pinagmamasdan nito. Alken, looked into her eyes and for a second. He saw some pain and suffering that he knew the reason was him. Pinagmasdan niya ito ng maigi at nakaramdam siya ng sakit sa kaniy

