"Priya…" mahinang anas ni Alken at nagulat na lang nang makita niyang nakatingin si Priya sa litrato nilang dalawa ng kaniyang namatay na asawa. Wala siyang tinatago kay Priya at alam ng dalaga ang totoo kung gaano niya kamahal ang nawalang asawa. Kung paano niya minahal ang asawa niya ay ganoon din si Priya. Pinaramdam niya ang dapat bilang nagmamahal. Mahal niya si Priya ngunit may panahon na namimiss niya pa rin ang kaniyang asawa. Nasasaktan pa rin siya sa pagkamatay nito kahit ilang taon na ang nakalipas. At nagpapasalamat siya dahil unti-unti at dahan-dahan na niyang nakakalimutan ang nararamdaman niya kay Mina lalo na kapag nandiyan si Priya sa tabi niya. Pinilit niyang kalimutan ang nawalang asawa upang maibigay ang lahat ng atensyon kay Priya ngunit hindi niya kayang k

