Walang reklamo na sinunod ni Priya ang gusto ni Alken at tuluyan nang bumalik sa kanilang silid. Pareho silang tahimik habang inaangat pahakbang ang kanilang mga paa. Ang tanging ingay na naririnig ng kanilang mga tenga ay ang mga apak ng kanilang mga paa. Dalawa silang naglalakad na para bang hindi sila magkakilala dahil sa hindi maipaliwanag na katahimikan. Para bang hindi sila magkakilala dahil wala silang kibuan sa isa't isa. Para silang mga estranghero. Nilingon ni Priya si Alken at tiningnan ang mukha nito ng ilang segundo. Seryoso at halatang malalim ang iniisip. Hindi niya ito kinulit. Kahit gustuhin niya ay hindi niya magawa. Sa tuwing sinusubukan niyang magsalita ay para bang may pumipigil sa sarili niya. Gusto niyang magtanong pero ayaw niya. Kaya mas pinili niyang

