Chapter 130

1449 Words

Gustong magpalimbag-limbag ni Priya sa higaan ngunit hindi niya magawa. Kahit na wala namang pumipigil sa kaniya. Hind siya makatulog dahil ang dami-daming mga bagay at katanungan ang gumugulo sa isip niya ngayon. Gustuhin man niyang balewalain ang nobyo sa mga oras na 'to pero hindi niya magawang umakto na parang wala lang ang lahat ng napapansin niya. Hindi niya kayang palagpasin ang mga nakikita niya sa binata ngayon. Kahit na hinahayaan lamang niya itong mapag-isa ngayon. Pero sa kaloob-looban ng puso niya ay gustong-gusto na niya itong damayan sa lahat ng paghihirap nito. Sumasakit lang lalo ang isip niya sa tuwing nakikipagtigasan siya sa minamando ng utak niya dahil mas nasusunod niya pa rin palagi ang nilalaman ng puso niya. Nasayang lang ang mahimbing niyang tulog kani

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD