"Kahit na patayin niyo ako ngayon! Wala kayong mapapala sa akin. Nagmamakaawa ako sa inyo... patayin niyo na lang ako dahil wala kayong makukuhang impormasyon mula sa akin. Wala talaga akong alam kung sino dahil napag-utusan lang ako," lakas loob nitong sigaw kahit na halatang nahihirapan na. "Napag-utusan? Sino?" Naghalo na ang ang mga pawis, dugo, luha at sipon ng lalaki. Mukhang ilang araw na itong hindi naliligo. Umiiyak ngayon ang lalaki dahil kapag nagsalita siya ngayon tiyak na mawawala sa mundo ang mag-ina niya. Mas mabuti pang siya na lang ang mawala kaysa madamay pa ang mga mahal niya sa buhay. 'Di bale ng mamatay siya kaysa mapahamak ang mga ito dahil ginawa niya ang mga bagay na iyon para sa kaniyang mag-ina. Upang kahit papaano ay maahon niya ang pamilya niya sa kah

