Nang makabalik si Alken sa kwarto dala ang mga pagkaing in-order, nagtaka si Priya kung bakit hindi siya tinitingnan sa mukha ni Alken. Naisip niya na baka dahil hindi siya gumanti nang halik sa binata kaya ito tumigil sa ginawa. "Let's eat," yaya ni Alken sa dalaga. Tiningnan ni Priya ang iba't ibang pagkain na nilapag ni Alken. "Bakit ang dami? Mauubos ba natin 'to?" mangha nitong tanong. "I don't know what you like to eat so I ordered all this so you can choose." "Kahit ano naman kinakain ko," wala sa sarili niyang wika. Nang tingnan niya si Alken ay bigla siyang napalunok. Para kasing may ibang kahulugan ang nasabi niya at sa pagkakaintindi rin ng binata. Kaya nauutal niyang dinagdagan ang kaniyang sinabi. "B-basta't hindi nakakahilo... kinakain ko," patuloy niyang an

