Nang dahil sa madilim na paligid ay nagkaroon nang lakas na loob si Priya na gawin at sumubok ng mga bagay na hindi niya pa nagagawa. Hindi niya pinagsisisihan ang ginawa niya at sa pagkakataong ito ay nawala ang takot niya sa dilim. Simula ng makalabas siya sa kulungan ay nilalabanan niya pa rin ang matinding takot at trauma na iniwan sa kaniya ng mga tao. Hindi na niya alam kung kailan niya huling natagalan ang dilim na siya lang ang mag-isa. Pero dahil nandito si Alken at nakapokus lamang ang atensyon niya sa binata, hindi niya maramdaman ang pangamba na baka mapahamak siya. Matagal na niyang inaalagaan ang puri niya at wala siyang balak na ibigay ang sarili sa kahit na kaninong lalaki lang. Pero hindi niya maintindihan ang kaniyang sarili. Kailan pa siya naging hayok sa lama

