"Huwag mong isipin na magiging maunawain ako at magiging maluwag ang pakikitungo ko sa 'yo, Trisha. Pero gaya nga ng hiniling mo, pinagbigyan na kita ng pagkakataon ngayon. Depende na lang 'yan sa pasya ni Priya," malamig na sabi ni Alken kay Trisha. "Kung tutuusin ay kulang pa ang naranasan mo ngayon at ng pamilya mo kompara sa ginawa mong pagpapahiya kay Priya. Siguro naman ay alam mo na kapag nagalit ako. Huwag kang mag-alala dahil hindi lang naman ikaw ang pinaparanas ko nito. Nagkataon lang na mas malala ang ginawa ko sa 'yo dahil ikaw ang naging punot dulo nito," dagdag na wika ni Alken at kung makapagsalita ito ay para talaga itong may batong puso. Minsan gusto ng isipin ni Priya na wala talaga itong puso. Kahit si Trisha ay hindi maisip kung paano nagawang mahalin ni Mina ang k

