Chapter 71

1041 Words

Bago pa man magtalo ang dalawa, sinabihan ni Alken si Priya na gumayak na dahil isasama siya nito sa kompanya. Walang ideya si Priya kung bakit siya isasama ni Alken sa kompanya nito. Pero sa sitwasyon nila ngayon, ayaw niyang magreklamo at hindi-an ito dahil baka lalo lang uminit ang ulo ni Alken. Pagkatapos nilang gumayak ay sabay ulit silang nag-agahan. Halos ipaubos lahat ni Alken ang lahat ng putahe na hinanda ng mga kasambahay. Kung hindi pa nagreklamo ang dalaga na parang sasabog na ang kaniyang tiyan ay hindi siya nito titigilan. Sa sarap ng mga pagkain, gusto sanang pagbigyan ni Priya si Alken ngunit hindi na talaga kaya. "Huwag kang magmadali, kumain ka muna," suhisyon ni Alken sa dalaga. "Busog na talaga ako," nahihiya na sabi ni Priya. Balak yata siyang patabain

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD