"Hindi ko siya ginagamit, Dana! Mahal ko si Alken," malakas na sabi ni Priya sa harap ni Dana. Nagagalit si Priya sa tuwing naririnig niya ang salitang ginagamit niya lang si Alken. Nandidiri siya kapag nakakarinig siya ng ganoon . Ang salitang manggagamit ay mas higit pa sa isang panis na pagkain na hindi niya magawang lunukin kahit pilitin niya ang kaniyang sarili. Para kay Priya ay parang napakababaw naman niyang babae kung ibibigay niya lang sa isang lalaki ang p********e niya kapalit lang ng maliit na pabor at pagtulong. Hindi kayang presyuhan ng kahit sino ang pagmamahal niya sa binata. Naranasan na niyang masaktan dahil kay Alken ngunit kahit na nangyari iyon ay ewan ba kung bakit niya pa rin ito minahal. Totoo ang pagmamahal niya sa lalaki at hindi niya ipagpapalit an

