Matapos ang mainit na gabi na pinagsaluhan ni Alken at Priya ay nagkasundo silang dalawa na bigyan nila ng respeto ang bawat desisyon ng bawat isa. Kahit na nasa tamang edad na ang dalawa ay madalas hindi pa rin sila magkasundo dahil sa selos at kahit ang bawat pasya nila ay pinagseselosan nila. Ayaw man ni Alken sa ideya ni Priya pero wala siyang magawa. Minsan nakikita niya na mas matigas pa ang dalaga sa paniniwala at kapag nagpasya ito ay napakahirap ng baliin. Kahit na galit na galit na siya ay hindi niya pa rin ito napapasunod. Hindi rin niya alam kung bakit parang siya itong napapasunod ng dalaga. At kahit na ayaw man niyang magmahal sa babaeng kasing tigas ng ulo na kagaya ni Priya ngunit wala na siyang magawa. Aminin man niya o hindi ay tuluyan na ngang nahulog ang p

