"Kilala mo naman ako 'di ba? I'm really sure you heard so many things about me. Marami akong pwedeng gawin sa pamilya mo at sa kahit na sino'ng malapit sa 'yo. Sa anak mo at sa asawa mo at kahit sa mga magulang at kapatid mo. Kaya mamili ka, makikipagtulungan ka sa akin o mawawalan ka ng lahat na meron sa 'yo. Mukhang naiintindihan mo naman ako 'di ba? Kaya kung ako sa iyo huwag mo ng pahabain pa ang pagdedesisyon mo," puno ng diin na sabi ni Alken at halatang nauubusan na ng pasensiya. Habang tinitingnan ng lalaki si Alken ay nakaramdam siya ng takot. Lalo na kapag pamilya na niya ang pinag-uusapan. Naipit na siya sa sitwasyong ito at wala na siyang ibang maisip kundi ayusin at ituwid ang mga kamalian na nagawa niya. Bumuntong hininga siya bago nagsalita. "Pumapayag na ako. Pero ipa

