Kasalukuyan na dinadalaw ngayon ni Priya ang bihag ni Alken. Takot pa rin siyang makita ang itsura ng lalaki pero gusto niya pa rin itong puntahan para makita mismo ng mga mata niya ang kalagayan nito. Mabuti na lang dahil kaagad siyang pinayagan ni Alken. Alam kasi nitong magtatalo na naman ulit sila kapag tinutulan siya ng binata. Kahit papaano ay masaya siya dahil parang anghel ngayon si Alken. Hindi niya ito makitaan ng galit sa tuwing may hinihiling siya. Lahat ng hinihiling niya ay lagi nitong sinusunod. Kahit pa alam naman ni Priya na labag ito sa kalooban ng lalaki. Kahit papaano ay ramdam niyang may nananatili pa ring kabutihan at awa sa puso niya para sa bihag. Mabuti na lang talaga dahil nagawa niyang pigilan si Alken bago pa naging huli ang lahat. Ngayon ay tinulun

