"Hindi ko hihilingin sa 'yo na pakawalan ako. Hindi ako kasing sama ng iniisip mo. Pero salamat pa rin dahil hindi ka nagtanim ng galit sa akin sa kabila ng mga nagawa ko sa 'yo," biglang sabi ng lalaki na siyang ikinagulat ni Priya. Paalis na sana sila nang bigla na lang itong nagsalita. Hindi niya inaasahan na kaya na pala nitong magsalita kahit na namamaga pa ng kaunti ang bibig nito. "Patawad… I really mean it," sinsero nitong patuloy at batid ni Priya na nagsasabi ito ng totoo at mula sa puso ng lalaki. Dahan-dahan na lumingon si Priya paharap sa pwesto ng lalaki at tiningnan ito ng maigi bago ito sinagot. Bumuntong hininga si Priya at pinakawalan ang mabigat na pakiramdam. Hindi man nawawala ang bigat sa puso niya ng ganoon kadali ngunit kahit papaano ay nababawasan na. "G

