Isang araw, habang naglilinis ng banyo sa mansiyon ay biglang nadulas si KMJS. Hindi kasi niya napansin ang sabon na nahulog sa sahig at naapakan niya iyon. "Araaaay! Aaahh!" malakas na sigaw ng dalaga nang bumagsak sa sahig ang puwitan niya. Nalamog yata sa sobrang lakas. Pati ang isang paa niya ay natapilok kaya napaaray din siya. Namimilipit na tumayo si KMJS at saka iika-ika na lumabas ng banyo. Eksakto naman na nakasalubong niya si Jigsaw. "What happened?" nag-aalalang tanong nito nang makita siya na hindi makalakad nang maayos at nakahawak sa baywang niya. "Nadulas ako, eh," mangiyak-ngiyak na sagot ng dalaga. "Ang sakit ng puwet ko." Kakamot-kamot na nilapitan siya ng lalaki. "Sobrang sipag kasi, eh. Sobrang linis na ng banyo pero nililinis pa rin." Akmang bubuhatin siya nito

