"May masakit pa ba sa'yo?" nag-aalalang tanong pa rin ni KMJS kay Hendrix nang nasa loob na sila ng kuwarto nito. Tinulungan na siya ni Tristan na dalhin dito ang kaniyang amo dahil hindi na tumigil sa pagsakit ang ulo nito kanina sa dalampasigan. Muntik na nga nilang tawagan ang doktor kanina sa sobrang pag-aalala. "Hindi na," tila nanghihina pa rin na sagot ng lalaki. Titig na titig ito sa kaniya na para bang sinusuri siya. "Mabuti naman at okay ka na po, Sir Hendrix." Naiilang na umiwas ng tingin ang dalaga. "Pinag-alala mo ako masiyado." "Ang sabi ko, nawala lang ang sakit ng ulo ko. But I never said I'm okay," pasungit nitong sabi. Nagtataka naman na humarap uli dito ang dalaga. "Ano po ang ibig n'yong sabihin, Sir Hendrix? Na hindi kayo okay? May iba pa bang masakit sa inyo b

