Pagkatapos kumain na nina KMJS at Jigsaw ay pumunta na sa tabing dagat ang dalaga para sundan si Hendrix. Siguradong naroon ito kasi wala ito sa paligid ng mansiyon. Pagdating sa dalampasigan ay si Tristan ang unang nakita niya. Kaagad naman siyang tinawag nito. "KMJS, halika! May ipapakita ako sa'yo na magagandangs shells." Naglakad naman siya palapit dito. Ngunit bago pa man siya tuluyang makalapit kay Tristan ay nakita niya si Hendrix na nakaupo sa batuhan. Napatingin din ito sa kaniya habang ang mukha ay hindi maipinta. Hindi niya alam kung galit ba o may sakit na iniinda. Hindi sana niya ito papansinin nang makitang bigla itong napangiwi at napahawak sa ulo. Sa halip na papunta kay Tristan ay dito siya lumapit. "Sir Hendrix, okay lang po ba kayo?" nag-aalala siyang umupo sa ta

