Walang kibo na inayos ni KMJS ang kama ni Hendrix. Sinikap niya ang kumilos nang normal kahit pa naiilang siya sa presensiya nito. Nasa sofa lang kasi ito. Nakaupo. At kahit hindi niya lingunin ay batid niya na nakatingin ito sa kaniya. Ramdam niya ang matatalim na titig nito sa kaniya. Kung saan man siya pupunta ay ramdam niyang sinusundan siya ng mga mata nito. Bakit kasi kailangan pa niya akong panoorin? Puwede naman siyang magkalikot ng cellphone o kaya ay maghanap siya ng ibang gagawin habang hinihintay ako. Hindi iyong daig pa niya ang isang guwardiya kung makabantay sa'kin. reklamo ng kaniyang isip. Eh, ayaw nga niya na nawawala ka sa kaniyang paningin, 'di ba? sagot naman ng kabilang isip niya. Paasa rin! Tsk. Buti sana kung natatakot siyang mawala ako sa piling niya kaya ayaw

