"Ano sa tingin mo ang ginagawa ko sa mga babaeng sumasampal sa'kin, ha?" sabi na naman ni Hendrix sa tonong naninindak. Inaamin ni KMJS na nasindak nga talaga. At sino nga ba hindi? When there was a dangerous tone in his voice. Tapos nanlilisik pa ang mga mata nito na parang gusto talaga siyang ibitin patiwarik. Pero kaya ba talaga iyong gawin ni Hendrix sa kaniya? Siguro dahil naka-fast backward ang memorya niya. sagot ng kaniyang isip. "Answer me." His face darkened even more. Umiling si KMJS. "H-hindi ko po alam, Sir Hendrix. At sorry na. Kayo naman po kasi ang may kasalanan kaya ko nagawa 'yon. Ipinagtanggol ko lang naman ang sarili ko." Gumalaw ang panga nito tanda ng tinitimping galit. "Kasalanan ko pa? Eh, ikaw itong dala-dalawa ang lalaki--" "Tama na po," mabilis niyang s

