Nagkibit-balikat lang si Vivian nang hindi siya nito pinansin at tuloy-tuloy itong naglakad papasok sa banyo. Mabuti nga na ganoon ang ginawa ng binata. Dahil baka nailang na naman siya kung tumingin pa ito sa kaniya. Lalo pa at nakatapis lang siya ng towel. Nagsisisi nga siya kung bakit iyong mas maigsi pa ang nakuha niya kanina sa closet. Pagkatapos niya na magsuklay ay nagbihis na si Vivian. Ternong pajama at blouse ang isinuot niya. Medyo manipis lang ang tela niyon dahil hindi naman magtatagal ang lamig. Habang nakalugay pa ang basang buhok ay ipinagpatuloy ng dalaga ang pagcha-charge niya ng cellphone para hindi iyon ma-lowbat kaagad kapag tumawag mamaya ang Kuya Hendrix niya. Habang naghihintay na mapuno ang battery ng kaniyang cellphone ay umupo muna sa sofa si Vivian. Gusto

