Lalong kumunot ang noo ni Ice nang mula sa gilid ng mga mata niya ay naramdaman niya na nakatitig pa rin sa kanya si Vivian. Simula pa kanina sa isla ay napansin na niya ang kakaibang titig sa kaniya ng dalaga. Pati na rin ang pagnanakaw nito ng tingin kapag hindi siya nakatingin. May alam na kaya ito sa sikreto niya? Nakaramdam at nagdududa na rin kaya ito sa totoong pagkatao niya? Pero imposible iyon. Baka ganoon lang talaga kung tumingin ang matured na Vivian. Dahil kahit sa video call nila noon ay napansin na rin ni Ice ang ganoong klase ng pagtitig nito sa kaniya. "''Wag mo na iyang uulitin sa susunod," sabi niya rito na hindi tumitingin. "Ang alin?" Gamit ang malamig na mga mata ay sinulyapan niya ito. "Iyang pagbabasa mo ng baligtad. Kapag naduling ka habang nasa poder kita,

