Napakislot ang puso ni KMJS nang marinig niya ang ugong ng helicopter mula sa dalampasigan. Ibig sabihin niyon ay nagbabalik na si Hendrix pagkatapos ng tatlong linggo na pagkawala nito. At masaya ang dalaga na nakauwi ito nang ligtas pagkatapos maaksidente na naman sa sasakyan habang pauwi sana dito noon. Ngunit wala ang excitement. Sa halip ay kaba ang nararamdaman ni KMJS. Dahil alam niya na ibang Hendrix na ang bumalik. At kahit na ilang beses na iyong sinabi sa kaniya nina Vivian at Jigsaw para ihanda siya, pakiramdam ng dalaga ay hindi pa rin niya kaya ang magpanggap mamaya sa harapan ni Hendrix. "I know it's too much to ask, Kathleen. Pero hihilingin ko sana na kung puwede, huwag ka munang umalis ngayon," naalala niyang pakiusap ni Vivian sa kaniya pagkatapos nitong ipaalam sa

