Ilang araw nang walang balita si KMJS kay Hendrix. Hindi rin ito tumatawag sa landline o sa mismong cellphone number niya para ipaalam ang nangyayari dito. Nahihiya rin naman siya na tawagan ito at baka nakakaistorbo siya. Lalo pa at paulit-ulit na sinasabi sa kaniya ni Jigsaw na nagpapagaling lang daw sa Maynila ang Boss nila. Pero may kakaibang kutob na si KMJS na hindi niya kayang pigilan. Kung talagang nagpapagaling lang si Hendrix, imposibleng hindi ito tatawag sa kaniya. Bumangon sa kama ang dalaga kahit hatinggabi na. Simula nang umalis na walang paalam ang nobyo ay hindi na siya nakakatulog nang maayos. Kapagkuwan ay napalingon siya sa lamesita kung saan nakapatong ang kaniyang cellphone. Araw-araw siyang natutukso na tawagan na si Hendrix. Lumipas ang mahabang minuto na naka

