Nagising si KMJS na wala si Hendrix sa tabi niya ngunit nagawa pa rin niyang ngumiti. Napakasarap ng nangyari kanina kaya walang dahilan para hindi gumanda ang gising niya. Halos sabay na umunat at humikab si KMJS nang bigla siyang matigilan dahil sa narinig na kaluskos. Sinundan niya ng tingin ang pinanggalingan niyon at kumunot ang noo niya nang makita si Hendrix na nakaluhod sa sahig at nagliligpit ng mga bubog. Mabilis pa sa alas kuwatro na bumangon ang dalaga para daluhan ang kaniyang amo. "Sir Hendrix!" Wala siyang pakialam kung tanging panty at brassiere lang ang kaniyang suot nang lumuhod din siya sa harapan nito para tumulong. "Ano ang nangyari?" "N-nabasag ko kagabi.", Kinagat ni KMJS ang pang-ibabang labi nang mapayuko siya at nakita niya ang wedding picture nito at ni Cuc

