"No! It's a trap!" hiyaw ni Jigsaw pagkatapos niyang sabihin dito ang tungkol sa mystery caller na tumawag sa kaniya kanina. Hindi na nahintay ni Hendrix na mag-umaga at kinatok na niya si Jigsaw sa kuwarto nito para ipaalam ang tungkol doon. "'Wag na 'wag mong patulan 'yon, Boss. Ginagag* ka lang ng kung sino man 'yon," dagdag pa nito. "Pero paano kung hindi, Jigs?" Alam ni Hendrix na katangahan ang maniwala sa isang posibleng prank caller. At hindi siya ganito na basta-basta naniniwala sa ganoon. "Iba ang pakiramdam ko, eh. Parang may bumubulong sa'kin na dapat akong maniwala. And I... I d-don't know why. Kaya nga sinasabi ko sa'yo, eh." "Kaya nga ginamit niya ang asawa at anak mo, eh. Dahil ang purpose talaga ng pagtawag niya sa'yo ay para maramdaman mo 'yan. Para kagatin mo ang pain

