Hindi mapalagay na nagpalakad-lakad sa labas ng ICU si Ice habang hinihintay na magising si Vivian. Dalawang araw na itong nasa loob at walang malay. At dalawang araw na rin siyang halos hindi umaalis sa labas ng kuwartong iyon. Wala pa siyang maayos na kain, pahinga at tulog. Gusto ni Ice na siya ang unang makaalam, at makita ng kaniyang asawa kapag nagkamalay ito. Dalawang araw na rin simula nang lusubin ng grupo ni Joaquin Saturno ang isla. Sinusubukan daw silang tawagan noon ni Hendrix para ipaalam na nanganganib ang buhay nila ni Vivian pagkatapos nitong malaman na si Joaquin Saturno nga ang mastermind sa pagpatay kay Don Herardo Mejica. Pero pareho raw nilang hindi sinasagot ang tawag nito. Nang mga oras na iyon ay naiwan ni Ice ang cellphone niya sa bahay na tinutuluyan nila haban