May tatlong araw na rin na hindi nagpapakita si Jigsaw kay Samantha kahit magkasama lang naman sila isla. Nasa kuwarto lang ito at nagpapagaling daw. Pero ang bulong naman ni Tristan sa kaniya, nahihiya lang daw itong humarap sa kaniya. Akala raw kasi ng binata ay pagtatawanan niya ito tungkol sa nangyari noong nakaraang gabi. Kaya nagdesisyon si Samantha na puntahan na ito sa kuwarto nito at kakausapin niya. Sunod-sunod na katok ang ginawa niya sa pintuan ni Jigsaw. Narinig niyang pasigaw itong nagtanong kung sino daw ang nasa labas. Ngunit batid ni Samantha na hindi siya nito pagbubuksan kapag nalaman na siya iyon kaya hindi siya sumasagot kahit anong tanong nito. Hanggang sa mayamaya ay may naramdaman at narinig siyang mga yabag na papunta sa pintuan. Inihanda niya ang matamis na ngi

