PAKIRAMDAM ni Samantha ay unti-unti siyang tinatakasan ng lakas dahil sa paglapat ng mga labi ni Jigsaw sa balat niya. Simpleng halik lang naman ang iginagawad nito sa kaniyang leeg. Subalit hindi niya maiwasan na hindi maapektuhan nang sobra. Tuluyan na ngang nawalan ng lakas ang mga kamay niya nang kusang bumitaw ang hawak niyang cellphone pagkatapos niyang patayin nang walang paalam ang tawag ni Cristy. Himala naman na hindi na ito nangulit pa sa mga sumunod na sandali. "I love your smell and taste..." bulong ni Jigsaw sa kaniya habang pinagmamasdan siya nito mula sa kaniyang mga mga mata, pababa sa mga labi niya at dumako ang tingin nito sa kaniyang leeg, "the smell of your hair, the taste of your mouth, and the feeling of your skin. You smell and taste like love..." Tumuon ang ting

