Akala noon ni KMJS ay uuwi agad sa Manila sina Jigsaw at ang doctor na si Ivan. Pero nalaman niya na doon pala muna mananatili ang dalawa para sa physical therapy ni Hendrix. Kaya sa tuwing may session ang amo niya at ang doktor ay silang dalawa ni Jigsaw ang magkasama. Katatapos lang magluto ng umagahan ng dalaga. Pumunta siya sa tabing dagat para tawagin ang tatlong magkaibigan at kakain na. Malayo pa lang ay tanaw na niya sina Jigsaw at Ivan na naliligo. Pero wala roon si Hendrix at ang wheelchair nito. Nang makalapit sa tubig ay hindi mapigilan ni KMJS ang mapahanga sa katawan nina Ivan at Jigsaw. Parehong pang-modelo. Iyong tipo ng katawan na makikita mo lang sa TV commercials, sa mga magazine o brochures, sa mga billboards, sa catwalk o kung saan-saan pa na nakabalandra ang katawa

