CHAPTER 1-Kasalanan Man Ang Ibigin Ka

3558 Words

"Ate, baka puwedeng kunin mo na ako dito sa Baguio? Sobrang sikip na dito sa bahay nina Auntie Claudia ngayon na nag-asawa na sina Kuya Manuel at Kuya Rodel Pinaparinggan na nila ako minsan na umalis na lang at pumisan na sa'yo," mangiyak-ngiyak na may halong inis na wika ng nakababata at nag-iisang kapatid ni Samantha na si Amanda mula sa kabilang linya. "Kung hindi mo ako kukunin, makikipagtanan na lang ako sa boyfriend ko. Sasama na lang ako sa kaniya sa Nueva Ecija." "Amanda!" nahihindik na bulalas niya. "Iyan ang 'wag na 'wag mong gagawin. 'Wag mong sirain ang mga pangarap namin nina Itay at Inay para sa'yo. Isang taon na lang ay magtatapos ka na sa kursong HRM. Hindi ba at iyon din ang pangarap mo? At ang makapagtrabaho sa malalaking hotel sa Canada?" "Kung ganoon, kunin mo na ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD