Napangiti si KMJS nang madala niya sa dalampasigan lahat ng mga pagkain na inihanda niya para sa dinner nila ni Hendrix. Niyaya kasi siya nito na mag-bonfire daw silang doon. "I never thought na may pa-dinner ka pala," nangingiting wika ni Hendrix habang nakasalampak ito sa blanket na nakalatag sa buhanginan. Nasa harapan naman nito ang mga pagkain na dala niya. At nasa di kalayuan naman ang ginawa nitong bonfire. "Akala ko talaga magde-date lang tayo habang nagsisiga," nanunudyong sabi pa nito at tinulungan siya sa pag-aayos ng mga pagkain. "Hindi mo naman sinabi na may balak ka pala sa'kin. Nakapaghanda sana ako." She smiled even widened as she looked around. It was a perfect dinner for tonight. "Naalala ko kasi na noong kompleto pa ang memories mo, gustong-gusto mo na dito kumain sa

