"This is a good sign that the patient is recovering quickly. Wala pang months pero sunod-sunod na ang series of memories na bumabalik sa isip niya," paliwanag sa kanila ng doctor na sumuri kay Hendrix. Kaagad itong tinawagan ni Jigsaw nang mawalan ng malay si Hendrix pagkatapos nitong saktan ang sarili para makaalala. Si Vivian ay on the way na rin daw para alalayan ang kapatid. "Ibig sabihin po, Doc, malapit nang gumaling si Boss Hendrix?" parehong tanong dito nina Jigsaw at Tristan. Nasa labas na sila ng master's bedroom habang nagpapahinga sa loob si Hendrix. Nagpaiwan doon si KMJS kanina para sana alalayan ang nobyo. Ngunit ipinagtabuyan lang siya nito. "We hope so. Wala na sanang mas mahirap pa na memories ang magti-trigger para lumala ang sitwasyon niya." Hindi alam ni KMJS ku

