"Lalabas lang ako sandali, Kath! May bibilhin lang ako!" malakas na wika ni Hendrix sa labas ng pintuan ng banyo. Pinatay muna niya sandali ang shower para magkarinigan silang dalawa. "Babalik din ako kaagad!" Hindi niya napigilan ang mag-alala nang marinig ang sinabi nito. Kaya dali-dali siyang nagtapis ng towel at nagpunas ng babae sa basahan para hindi siya madulas. At saka siya tumungo sa pinto at binuksan iyon. Para siyang kinapos ng hininga nang sumalubong sa kaniya ang makisig na si Hendrix. Nakahawak sa hamba ang isang kamay habang nakapamulsa naman ang isa. This time ay nakasuot na ito ng cargo shorts pero nakabukas naman lahat ng butones ng long sleeved shirt nito kaya bumalandra sa mga mata niya ang ma-abs nitong dibdib. Bahagyang natigilan naman si Hendrix nang makita siyang

