Typo and grammatical error ahead!! # 13_Reallan "May problema ka ba?" Tanong ko kay Jason ng mapansin ko na hindi siya mapakali. "Ayos ka lang?" Pinuntahan ko kasi siya mismo sa kompanya niya g magyaya siya para sa lunch. Hindi ko kasama ang mga bata dahil kinuha sila ni Señor para naman daw maipasyal ang dalawa kaya naman wala akong magawa kundi pumayad kahit na alanganin talaga akong iwan sila dito at hindi ako kasamang lumabas o mamasyal. But then.. alam ko naman na walang balak na ilayo ni Seńor ang mga anak ko sa akin kaya panatag naman ako kahit paano. "Medyo hindi maayos ang kompanya ngayon babe. Kaya medyo hindi ako mapakali." Sagot niya sa akin na sinabayan ng pagpapakawala ng isang malalim na paghinga. "Tulad ng ano?" Tanong ko. Hindi naman ako nakikialam sa problema niya