# 14_Reallan "Pakawalan niyo ako." Sigaw ko habang nakakulong ako sa isang silid. Kanina kasing pauwi na ako at naghihintay sa taxi na sasakyan ko ay may kung sino na lang na biglang tumigil sa harapan ko at walang pag aalinlangan na isinakay ako. Hindi agad ako kasi kanina nakakilos dahil sa pagkabigla at ng gusto ko ng sumigaw ay may kung ano ng ipinaamoy sa akin gamit ang panyo. At ngayon, nagising na lang ako na nasa isang silid na ako at nakakulong. Hindi naman nakatali ang mga kamay. Dahil kaninang nagmulat ako ng mata ay walang tali ang mga kamay at paa ko, at wala ding takip ang mata o kaya naman bibig ko. Kaya malaya akong nagsisisigaw at kinakalampag ang pintuan para kung sino man ang nasa labas ay marinig nila ako at matulungan. Nakakaramdam man ako ng takot pero pinapalaka